Makikiisa ang United States Embassy sa gagawing pagdiriwang ng Pilipinas sa National Heroes’ Day bukas, Lunes.

Kaugnay nito, inianunsyo ng US Embassy na sarado ang kanilang tanggapan, gayundin ang mga affiliated offices nito sa Agosto 29, upang bigyang-daan ang naturang mahalagang pagdiriwang.

Inaasahan namang magbabalik ang operasyon ng mga tanggapan ng embahada sa Agosto 30, Martes.

Ang National Heroes’ Day o Pambansang Araw ng mga Bayani ay deklaradong regular holiday sa bansa. (Mary Ann Santiago)

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin