MOSCOW (AP) — Handang ibigay ng pamahalaan ang pinakamahal na material na bagay – mamahaling sasakyan, apartment o maging pangarerang kabayo – sa atletang makapag-uuwi ng medalya mula sa Olympics.

Ngunit, sa tuwina, kabuntot nito ang kontrobersya.

Halos 24 na oras matapos ipamahagi ni Russian president Vladimir Putin ang bagong BMW sa ilang medallist bilang insentibo sa pagkapanalo sa Rio Olympics, lumutang sa online sale ang larawan ng isa sa ipinamigay na luxury car.

Hindi nagpakilala ang nagbebenta ng sasakyan sa halagang 4.67 milyon rubles (US$72,000), ngunit sinabi ng Russian agency R-Sports na isang atleta ang nagpapabenta nito dahil hindi umano niya masusustinahan ang pangangalaga rito.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Kinatigan ito ni figure skater Maxim Trankov, tumanggap ng Mercedes-Benz SUV sa kanyang pagkapanalo sa 2014 World Championship, dahil maraming atleta umano ang hindi kayang magmentina ng mataas na uri ng sasakyan.

“Has no one thought that these gift cars are not only liable for the tax on luxury items, but also aren’t cheap to run and earnings can’t cover it?” aniya sa kanyang Twitter. “I’d sell mine too if it came to it ... Or does everyone think all sports pay as well as soccer, hockey or tennis?”

Hindi malinaw kung magkano ang ginagastos ng pamahalaan para sa insentibong ipinamimigay sa mga atleta, ngunit ipinahayag ng State TV channel Rossiya 24 na ang mga BMW cars ay kaloob ng mga mayayamang negosyante para sa Olympians’ Support Fund.