BOGO CITY, Cebu – Tinitingnan ng pamahalaang panglalawigan ng Cebu ang posibilidad na gawing drug treatment at rehabilitation center ang 16 na provincial at district hospital sa probinsya.

Ito ay makaraang buksan ng Department of Health (DoH)-Region 7 ang ideya na gamitin ang mga pampublikong pagamutan upang matugunan ang kawalan ng mga drug treatment at rehabilitation center sa lalawigan para sa mga sumukong tulak at adik.

Sinabi ni DoH-7 Director Jaime Bernadas na naiparating na nila ito kay Gov. Hilario Davide.

Bukod sa mga pampublikong ospital, balak din ni Bernadas na gamitin bilang pansamantalang rehab center ang mga kampo ng pulisya. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?