Nais alamin ni Senator Panfilo Lacson kung may katotohanan ang impormasyon na ang mga lupang ginamit na panambak ng China sa mga artipisyal na isla sa loob ng pinagtatalunang lugar sa West Philippine Sea ay galing mismo sa ating bansa, partikular na sa lalawigan ng Zambales, at panagutin ang mga taong nasa likod nito.

“There is a need to account for the personalities behind (these) highly anomalous, illegal and treacherous acts that tend not only to destroy our environment, but also make a mockery of our laws to the prejudice of the Filipino people and constitute a possible breach of our national security,” diin ni Lacson.

Naghain si Lacson ng Senate Resolution No. 9 na naglalayong lumikha ng mga panuntunan at bagong batas upang hindi na ito maulit.

Batay sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni Lacson, ilang bundok ang napatag sa bayan ng Sta. Cruz kasabay ng pagtatambak sa mga pinagtatalunang bahura sa bahagi ng West Philippine Sea.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Worse, some reports had quoted Zambales Governor Amor Deloso as saying soil and rocks taken from these areas were shipped, dumped and used to reclaim almost 3,500 hectares of the disputed islands in the West Philippine Sea, which caused massive, unspeakable damage to the marine environment therein,” ayon sa senador.

Bukod pa umano ito sa mga balitang nagbabanggit sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na nagsiwalat na ipinupuslit umano ng ilang kumpanya ng pagmimina mga lupa buhat sa Zambales at dinadala sa West Philippine Sea. (Leonel M. Abasola)