Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang babae, sinasabing may diperensya sa pag-iisip, matapos makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR), habang naglalakad sa Sampaloc, Maynila nitong Huwebes.

Ang biktimang si Marlene Macapagal y Ang, 41, ng 1732 Mindanao Avenue, Sampaloc, Maynila, ay kinilala ng kanyang kinakasama na si Roberto Alberto.

Sa ulat ni PO2 Benito Mateo, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS), nabatid na dakong 11:49 ng umaga nangyari ang insidente sa southbound lane ng PNR railroad, sa pagitan ng G. Tuazon at España Station sa Sta. Mesa.

Ayon sa saksi na si Joan Bisbal, 29, naglalakad sa riles ang biktima at tila hindi nito narinig ang busina nang paparating na tren hanggang sa tuluyan itong nakaladkad na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. (Mary Ann Santiago)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17