Nakatutok sa kasagutan para sa unang Olympic gold ang programa na isusulong ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamamagitan ng Philippine Sports Institute (PSI) na inaasahan ngayong taon.

Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, mula sa pinakamaliit hanggang sa pinaka-importanteng detalye ay bibigyan pansin at halaga ng ahensiya para maunawaan ang pagbalangkas sa PSI.

Sinimulan nang pulungin ng PSC ang lahat ng mga national coach at trainor sa Philsports Arena para mapaunawa ang konsepto ng PSI na ayon kay Ramirez ay magsisilbing ‘backbone’ ng isang matibay na sports program ng bansa.

Nakapaloob sa coach program ang kaalaman para sa tamang pagpili ng talent mula sa grassroots level hanggang mabot ng atleta ang competitive aspect para sa mas malaking torneo.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hihingan naman ng kanilang opinyon ang medical personnel para sa sports science.

Nakatakda rin ang pakikipagpulong ng PSC Board kina dating PSC chairman Philip Ella Juico at Perry Mequi, gayundin kina Dr. Jose Canlas, PSC Program Research and Development Division (PRRD) kasama ang dating Hong Kong Sports Institute director na si Mark Velasco sa isang day-long workshop at si Alejandro Pineda, Jr. ng Philippine Center for Sports Medicine.

Nakatakda naman ang ‘top-level consultative meeting’ sa Setyembre 1-2 sa Century Park.