HAVANA (AFP) – Inanunsyo ng pamahalaan ng Colombia at ng mga rebeldeng FARC noong Miyerkules na nagkasundo sila sa makasaysayang peace deal para wakasan ang kalahating siglong civil war na bumuwis ng daan-daan libong buhay.

Matapos ang halos apat na taong negosasyon sa Cuba, inihayag ng magkabilang panig ang final deal, na ayon kay President Juan Manuel Santos ay pagbobotohan ng mamamayan sa referendum sa Oktubre 2.

‘’The Colombian government and the FARC announce that we have reached a final, full and definitive accord... on ending the conflict and building a stable and enduring peace,’’ sabi ng magkabilang panig sa joint statement na binasa sa Havana ni Cuban diplomat Rodolfo Benitez.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'