Laro Ngayon

(Alonte Sports Arena, Binan, Laguna)

5:00 n.h. -- Phoenix vs Tanduay

Target ng Phoenix na mawalis ang serye para sa minimithing titulo sa pakikipagharap laban sa Tanduay sa Game 2 ng 2016 PBA D-League Foundation Cup best-of-three championship series ngayon sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Gayunman, batid ni Accelerators coach Eric Gonzales na hindi magiging madali para sa kanila ang lahat, higit at dikdikan ang naging resulta ng Game 1 bago naisalba ni Mac Belo para sa 84-76 na panalo.

“We have to play together. Ang pinakamahalaga sa amin is we sprint back on defense,” pahayag ni Gonzales.

Muling sasandalan ni Gonzales ang kanilang mga go-to guys na sina Belo, Mike Tolomia, Ed Daquioag, at Roger Pogoy.

“Kahit naman struggling kung sino man sa kanila, we have to be patient because I know in the end, I have to trust them,” aniya.

Naniniwala naman si Rhum Masters coach Lawrence Chongson na nakahulagpos lamang sa kanilang mga kamay ang panalo sa Game 1.

“Konting polish na lang sa depensa,”pahayag ni Chongson.

“In this game, we were leading for more than 23 minutes. Pero sa crunch time, we missed some crucial free throws.

Tingin ko naman, konting adjustments lang. Makukuha rin namin yan.”

Nakatakda ang laro sa ganap na 5:00 ng hapon. (Marivic Awitan)