TOTOO nga yata ang tsismis tungkol sa “quickie” ng isang female reporter at sa kilalang aktor na pansamantalang nag-lie low sa showbiz dahil may pinagdadaanang problema.

Nakakuwentuhan kasi namin kamakailan ang reporter at kinumusta niya sa amin ang kilalang aktor, na ikinagulat namin dahil ang layo sa topic na pinag-uusapan namin.

Sunud-sunod ang tanong pangungumusta niya sa aktor, kung naka-recover na raw ba ito sa problema at kung ano ang updates na alam namin.

Clueless naman kami nang mga sandaling iyon kaya sinagot namin ng, ‘ma at pa’ at sabay tanong kung bakit niya itinatanong, pero biglang iniba ang topic.

Teleserye

Higop King Supremacy! Leading ladies na 'hinigop' ni Joshua Garcia sa teleserye

Hanggang sa nagkahiwalay na kami dahil pareho kaming nagmamadali. Habang pauwi, saka lang namin naalala ang mga kuwento sa amin ng mga katoto tungkol sa “quickie” ng dalawa at hanggang ngayon daw ay type na type pa rin ng kilalang female reporter ang aktor.

Ang natatandaan naming kuwento mismo ng isa ring kilalang reporter, “Sa blowout party ng movie ni _____ (kilalang aktor) naganap. Nagbanyo si _____ (kilalang aktor) at sinundan siya ni _____ (reporter). May nakakita sa pasimpleng pagbanyo ng dalawa, kaya kunwa magbabanyo rin. Pinakiramdaman niya, hayun, narinig niya na may umuungol sa cubicle.

Nahiya na si _____ (sumunod na katoto) kaya umalis na at ikinuwento na lang sa iba ang narinig.”

Inabot daw ng 30 minutes sa banyo ang kilalang aktor at ang kilalang reporter, pero dahil.

Masaya ang lahat sa blowout party ay walang nakapansin sa nangyaring milagro. Nang lumabas ang reporter, kunwaring biglang humalo na sa interbyuhan ng ibang katoto.

May girlfriend ang kilalang aktor nang mga panahong nangyari ang “quickie” nila ng female reporter, kaya marami ang nag-isip na maaaring isa ito sa mga pinag-awayan nila kaya sila naghiwalay. (Reggee Bonoan)