WALA si Angel Locsin sa big event ng Avon last Saturday sa Smart Araneta Coliseum at hindi na rin siya hinanap ng kanyang fans dahil sa poster pa lang ng Avon, wala si Angel gayong isa siya sa matagal nang endorsers nito.
Nakita namin sa poster si Marian Rivera na pinakabagong endorser ng make-up line ng Avon (pareho sila ni Angel), Jennylyn Mercado, Ruffa Gutierrez, Jessy Mendiola, Yassi Pressman at Jodi Sta. Maria.
Walang ibinigay na rason ang Avon kung bakit wala si Angel sa big event nila. Ang tao tuloy ang nag-isip at nagbigay ng dahilan. Siguro raw iniwasan ni Angel na makita si Jessy dahil sa “silent feud” nila dahil kay Luis Manzano.
Na-miss tuloy ng photographers na makunan ng picture sa isang event sina Angel, Jennylyn at Jessy, ang dalawang exes at present GF ni Luis.
Anyway, winelcome ni Angel si Marian sa Avon nang mag-post siya sa Instagram ng thumbs up sign nang i-announce ni Marian na kabilang na siya sa Avon family. Sinagot siya ni Marian ng “@therealangellocsin see you soon!”
Tanong uli ng fans, bakit hindi winelcome ni Angel si Jennylyn noong pumasok ito sa Avon bilang image model ng Avon underwear? (Nitz Miralles)