Alden Maine Bacoor copy

HAPPY trip to Maine Mendoza! 

Napaka-blessed ni Maine dahil natupad ang wish niya na makapanood ng concert ng Coldplay, ang paborito niyang British alternative rock band. May nagregalo sa kanya ng tickets for the concert nito ngayong Saturday and Sunday, August 20 & 21 sa Rose Bowl in Los Angeles, California.

Favorite ni Maine ang lead vocalist and pianist ng banda na si Chris Martin who co-founded it with lead guitarist Jonny Buckland in 1996 sa University College London. Matagal na niyang dream na mapanood ang rock band na matagal nag-perform sa New York City pero hindi siya nagkaroon ng chance dahil naging sobrang busy siya at ng ka-love team niyang si Alden Richards sa Eat Bulaga at sa shooting ng Imagine You & Me sa Italy. 

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ngayong medyo maluwag na ang schedule niya at may dumating namang blessings, bakit nga ba naman hindi na niya sasamantalahin ang pagkakataon?

Incorporated sa kalyeserye nila sa Eat Bulaga ang pag-alis ni Maine at ginawa pa niyang pangatlong kondisyon kay Alden bago niya tuluyang sagutin ito ng ‘oo,’ na patunayan niya kung gaano siya kamahal nito sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanyang mga lola habang wala siya. 

Kaya naman this week, habang narito pa si Maine, ipinakita na ni Alden kung paano niya pagsilbihan ang mga lola, like ipinag-iigib ng tubig na pampaligo at ipinaghahanda ng merienda.

At para sa AlDub Nation na matagal ding mami-miss si Maine, kilig ang ibinigay ng dalawa nang magsugod-bahay sila sa Molino, Bacoor, Cavite noong Thursday, August 18, na 57thweeksary ng AlDub. 

Sabi nga, naging open na sina Alden at Maine sa tunay nilang relasyon, na hindi na nila kailangang pang aminin.

Ilang araw din mawawala sa EB si Maine dahil sasamantalahin na niya ang konting pahinga sa Amerika. Si Alden naman ay magsisimula nang mag-taping ng Encantadia sa Lunes, na sana ay maganda na ang weather natin.

Sa pagbabalik ni Maine, nakapasa kaya si Alden sa kondisyon niya, at makamit na niya ang matamis na ‘oo’ ng dalaga?

(NORA CALDERON)