UNITED NATIONS (AP) – Sa unang pagkakataon ay sinasabi ng United Nations na responsable ito sa pagkakaroon ng cholera sa Haiti na mahigit 800,000 katao na ang nahawaan.

Sinabi ng mga mananaliksik na may sapat na ebidensiya na nagkaroon ng cholera sa pinakamalaking ilog ng Haiti noong Oktubre 2010 dahil sa duming nagmumula sa base ng UN peacekeeping. Hindi inako ng United Nations ang responsibilidad, at sinagot ang mga kasong isinampa ng mga biktima sa mga korte sa US gamit ang diplomatic immunity.

Nitong Huwebes, sinabi ni UN deputy spokesman Farhan Haq sa The Associated Press na, “We’ve been trying to see exactly what we can do about our own particular role as this has been going on [and how] to bring this outbreak to a close.’’

Kalaunan ay sinabi niya sa mga reporter na napatunayan ng panel na inatasan ng UN na mag-imbestiga, na nabigo ang local contractor na i-sanitize ang dumi na nagmumula sa base ng UN.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline