Huwag masorpresa kung ang mahihilang sasakyan na ilegal na naka-park sa kalye ay tutubusin sa Tarlac City.

Ito ay matapos na payagan ng Department of Transportation ang Metro Manila Development Authority (MMDA) Towing Operations Group na dalhin sa Tarlac ang mai-iimpound na mga sasakyan.

“We are appealing to vehicle owners to look for proper parking areas because we will not hesitate to transport them to Tarlac,” ayon kay Victor Nunez , hepe ng operations group.

Ang hakbang ay isasagawa matapos na payagan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang MMDA na ibiyahe na sa mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Tarlac ang bultu-bultong sasakyan na hindi na magkasya sa Ultra, impounding site sa Pasig City.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

(Anna Liza Villas-Alavaren)