ILULUNSAD ng Front Desk Entertainment Production ang singing career ng 23 year-old balladeer na si Kiel Alo sa Music Box (Timog corner Quezon Ave., QC) sa Linggo, Agosto 21, 9:00 ng gabi.

Sasamahan siya ng very promising artists ng bansa tulad nina Marion Aunor, Ezekiel, Rochelle Carsi Cruz, Cherie Pie ng Pink Mannequins, at Michael Pangilinan under the musical direction of Ivan Lee Espinosa.

“It has always been my dream to perform in front of a fun audience. Hindi ko akalaing darating pa itong career sa akin -- itong singing thing ko, kasi nga matagal na akong kumakanta and I got all these promises left and right pero wala namang nangyari.

“Ngayon ay naramdaman ko nang my time has come - pinagkatiwalaan ako agad ng manager kong si Nanay Jobert Sucaldito -- kaya ang title ng show namin ay It’s My Turn kasi nga, dumating na yata ang time ko, ha-ha-ha! Sana tuluy-tuloy na kasi this is the one thing that I’ve always wanted to do... sing, sing, and sing.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I’ve prepared many songs and this early ay nagtatakbuhan na ang mga daga sa dibdib ko. Sana maitawid ko ang concert kong ito -- launching ko kasi ito, eh. Ngayon pa lang ay nais ko na kayong pasalamatan for supporting me,” sabi ni Kiel.

Ang It’s My Turn concert ay suportado ng Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures, nina Ms. Josie Yu at Isabela Gov. Bojie Dy. Major sponsors also include sina Ms. Laarni Enriquez, Mr. Atong Ang, Mr. Art Atayde, Mr. Boy Abunda, Guiguinto Mayor and Mrs. Boy and Precy Cruz, Mr. Nixon Teng at Mr. and Mrs Henry at Lily Chua. 

(REGGEE BONOAN)