Ipinanlulumo umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang korapsyon na nangyayari pa rin sa ilang ahensya ng pamahalaan, sa kabila ng kautusan nitong iwaksi na ang pangungurakot.

Inihalimbawa ng Pangulo ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mga ahensyang pinamamahayan pa umano ng malawakang korapsyon.

Sa kanyang pakikipagpulong, inirereklamo pa rin umano ang dalawang ahensya. “Their complaint was it is still there – corruption in LTFRB, pati LTO, and I suppose that this is true, universal throughout the country except for a minor exceptions,” ayon sa Pangulo.

Sinabi pa nito na inilagay niya sa pwesto sina Gen. Edgar Galvante at Martin Delgra, mga taong may integridad, ngunit maging sila ay hindi kinakayang kontrolin ang korapsyon sa mga nasabing ahensya.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Dahil dito, sa mga susunod na araw ay tatargetin na ng Pangulo ang mga kurakot sa gobyerno, lalo na’t hindi umano nila sinunod ang utos ng Pangulo na wakasan na ang korapsyon. (Elena L. Aben)