WASHINGTON (AFP) – Nagdeklara ng emergency si US President Barack Obama sa Louisiana noong Linggo dahil sa matinding baha, kung saan mahigit 7,000 residente na ang nasagip, tatlo ang namatay at isa ang nawawala.

Sa ilalim nito, magagamit ang pondo ng federal government para suportahan ang mga rescue crew na walang tigil sa pagtatrabaho sa harap ng napakataas na baha na ngayon lamang nasaksihan sa Louisiana.

“We are thankful for the federal government’s quick response to our request for an emergency declaration. This is an ongoing event, and we are confident that every available state and federal resource will be brought to bear,” pahayag ni Governor John Bel Edwards.

Inilubog ng baha ang malaking bahagi ng rehiyon noong Linggo, tatlong araw matapos tumaas ang tubig sa mga ilog dahil sa walang tigil na ulan simula Biyernes. Libu-libong katao na ang inilikas sa Livingston Parish, malapit sa kabiserang Baton Rouge habang marami pa ang naghihintay ng tulong.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture