CEBU CITY – May bago nang warden ang Cebu City Jail kasunod ng malawakang paghahalughog sa pasilidad na nagresulta sa pagkakakumpiska ng milyun-milyon pisong cash, pake-pakete ng shabu, at ilang kontrabando.

Si Supt. Jessie Calumpang ang humalili kay Supt. Johnson Calub, na warden sa piitan nang isagawa ang “Operation Greyhound” ng Police Regional Office (PRO)-7 nitong Sabado ng madaling araw.

Bukod sa milyun-milyon pisong cash, nakasamsam din ang mga operatiba ng PRO-7, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-7, Special Weapons and Tactics (SWAT), Regional Public Safety Battalion-7, at K9 Unit ng Philippine Coast Guard (PCG) ng 48 sachet of shabu, na tumitimbang ng 70 gramo at nagkakahalaga ng P240,000. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog