Cristine, Zanjoe at Isabel copy

BAGO nagsimula ang Bonggang Pasasalamat presscon ng Tubig at Langis noong Sabado ng tanghali ay nag-table hopping muna ang RSB business unit head na si Direk Ruel S. Bayani para isa-isang pasalamatan ang entertainment press na malaki ang naging bahagi kaya nagtagal ang programa niyang pinagbibidahan nina Cristine Reyes, Isabelle Daza at Zanjoe Marudo

Masayang ikinukuwento ni Direk Ruel na ikinagulat nila ang first time na pagkakamit ng ABS-CBN sa panghapong programa ng national ratings na 21.1%, ka-back-to-back ang Doble Kara nina Sam Milby at Julia Montes.

“’Yung back-to-back na ‘yun, never pa ‘yun na-achieve ng ABS ever, higher pa kami sa primetime ng GMA-7,” sabi ni Direk Ruel kaya nagkatawanan ang mga kausap na reporters.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Ayaw kong magbanggit ng title o ng show, hindi lang sa Kantar Media, even in AGB (Nielsen) mataas kami sa hapon, kaya nga puwedeng i-claim dahil kung hindi debatable pa, eh.

“Ang lakas ng kalaban namin sa hapon sa kabila (GMA), ngayon lang na-achieve ‘to, eh. Hindi na-achieve ito before dahil ang lakas nila dati, ang hirap-hirap. Very formidable ‘yung kanilang line-up, ngayon lang talaga nabasag, it’s really an achievement for ABS. I can claim that because I don’t claim kung hindi facts, no!”

Totoo ang mga pahayag na ito ng business unit head ng Tubig at Langis base na rin sa naririnig naming mga kuwentuhan na puro programa ng ABS-CBN sa hapon na ang pinag-uusapan hindi katulad noon na pawang GMA-7 na super lakas naman talaga dati.

Kaya nga nakailang palit din ng programa ang Kapamilya Gold dahil hindi nila matalu-talo ang GMA sa afternoon timeslot, ngayon, finally ay nakuha na ng Kapamilya Network ang formula na gustong panoorin ng viewers sa hapon. 

Samantala, tinanong din ang TV executive tungkol kay Vivian Velez na kauumpisa pa lang ng Tubig at Langis ay nagpaalam na dahil sa sigalot nila ni Cristine Reyes. Willing pa ba silang makatrabaho ito?

“Oh, yes, she’s an amazing actress, I’d love to have her again, and she’s a wonderful, wonderful actress. It was just unfortunate, but lahat kami sa team ay naniniwala that we will be working with each other again. In fact, nakarating sa akin through Nadia (Motenegro, isa sa mga cast) that she’s sincerely happy for the show and ‘yun ang ibig kong sabihin.

“Para sabihin niya ‘yun, ibig sabihin, masaya siya for us dahil alam niya na ang tagumpay nito ay malaking bahagi rin siya,” sabi ng bossing ng programa.

Ganito rin halos ang sagot ni Cristine nang tanungin tungkol sa bagay na ito. Walang hindi nadadaan sa maayos na pag-uusap. Kaya naman siguro good karma ang show nila, hindi sila nagpapakanega. 

Bukod kina Cristine, Zanjoe at Isabelle, kasama rin sa Tubig at Langis sina Jean Saburit, Efren Reyes, Jr., Marco Gumabao,Miguel Vergara, Ingrid dela Paz, Victor Silayan, Lito Pimentel, Dionne Monsanto,Tart Carlos, Cai Cortez, Miko Raval, Archie Alemania at iba pa mula sa direksiyon ninaFM Reyes at Raymund Ocampo.

Mapapanood pa hanggang Setyembre 9 angTubig at Langis pagkatapos ng Doble Kara. (REGGEE BONOAN)