RIO DE JANEIRO – Tuluyan nang naupos ang nalalabing pag-asa ni Miguel Tabuena sa podium nang makaiskor ng two-over-par 73 sa ikatlong round ng men’s golf competition ng Rio Olympics nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nagtamo ang 21-anyos nang magkakasunod na bogey sa front nine. Nakabawi ng bahagya ang one-time Philippine Open champion sa naiskor na birdie sa No.10 at No.11, ngunit muling sumadsad sa natipang bogey sa No.13 at No.15.

Tangan niya ang kabuuang iskor na 221, sapat para sa ika-56 na puwesto sa 60-man field ng sports na nilaro sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1904.

“One more day tomorrow,” sambit ni Tabuena, tatangkaing mapaganda ang iskor para sa mas matikas na pagtatapos ng kampanya.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Naagaw ni major champion Justin Rose ng Great Britain ang liderato sa naiskor na six-under 65, tampok ang dalawang eagle para sa kabuuang 201.

Hawak ng 36-anyos at 2013 US Open champion ang isang stroke na bentahe kay reigning British Open champion Henrik Stenson ng Sweden (68), at tatlong stroke ang layo kay Marcus Fraser ng Australia (72).