NAKAKALAKI ba talaga ng ulo kapag binigyan ka ng programa kahit hindi ka naman nag-iisang bida?

Naririnig namin sa lahat ng kuwentuhan ng mga katoto sa iba’t ibang showbiz events ang tungkol sa aktres na pinagkatiwalaang bigyan ng programa, kasama ang isa pang aktres, na nag-iba na raw ang ugali at maging ang mga staff ay hindi na pinakikinggan.

Kuwento ng isa naming katoto na tiyempong nasa loob mismo ng studio ng programa, “Napagsabihan si _____ (aktres) kasi habang umeere at may iniinterbyung guest, eh, panay ang text niya, kitang-kita sa kamera. Hayun, wala lang din sa kanya.”

Bukod dito, napansin na rin daw ng mga bossing ng network na panay ang hirit ng aktres sa kapwa niya aktres ng hindi maganda. Sa madaling sabi, binabara nito ang mga kasama.

Boss Toyo, ‘di nakapagpigil; sininghot panty ni Eva Elfie

“Oo, napansin na at sinabihan na rin, as of now okay naman na,” sabi ng isa pang katoto.

Hindi kasi namin napapanood ang programa kaya wala kaming reaksiyon, pero base sa mga kuwentong naririnig namin at sa mismong mga nakakakita ay totoo ito.

Nababanggit na rin kasi ito ng ilang artistang nag-guest sa show, na parang may ‘something’ na nga raw sa aktres simula nu’ng mabigyan ng programa.

Ano naman ang reaksiyon ng kapwa aktres na hinihiritan ng hindi maganda?

“Okay lang naman sa kanya ‘yun, basta kumikita siya, dedma,” say sa amin.

Hindi pa namin makunan ng reaksiyon ang aktres dahil kasalukuyang nasa bakasyon. (Reggee Bonoan)