4:30 n.h. – Globalport vs Meralco
6:45 n.g. – San Miguel Beer vs Ginebra
Makapagsolo sa ikalawang puwesto ang tatangkain ng crowd favorite Barangay Ginebra sa kanilang pakikipagtipan sa defending champion San Miguel Beer sa tampok na laro ngayong hapon sa OPPO- PBA Governors Cup sa MOA Arena sa Pasay City.
Kasalo sa kasuluyan ng King sa second spot ang dating namumunong Mahinda Enforcers hawak ang barahang 4-1, makaraan nitong matikman ang unang kabiguan sa kamay ng Phoenix nitong Biyernes ng gabi.
Galing ang Kings sa 107-95 na paggapi sa Blackwater para sa ikaapat nilang tagumpay sa limang laban.
Malalaman ngayon kung mapapanatili nito ang mataas na enerhiyang ipinamalas nang talunin nila ang Elite .
Tulad ng dati, inaasahang mamumuno sa Kings sina import Justin Brownlee katuwang sina LA Tenorio, Greg Slaughter, Japeth Aguilar , rookie Scottie Thompson at Joe Devance.
Inaasahang magiging mahigpit ang tapatan nila ng Beermen na kasalukuyang naiiwan lamang ng isang panalo sa hawak nitong 3-1 karta.
Malaking hamon para kay coach Leo Austria kung paanong papagpagin ang kalawang sa kanyang mga players na may dalawang linggo ring nawala sa aksiyon magmula nang huling manalo sa Star noong Hulyo 31.
Mauuna rito, malaking katanungan kung magagawa nang makapasok ng Globalport sa winner’s circle matapos magtamo ng apat na sunod na kabiguan sa pagsagupa nila sa Meralco na nakuha namang makatuntong sa winning track kasunod ng dalawang dikit na pagkabigo matapos talunin ang Rain or Shine sa nakaraang laro. - Marivic Awitan