RIO DE JANEIRO (AP) – Pinataob nila Jack Laugher at Chris Mears ng Great Britain ang defending champion na China sa men’s 3 meter springboard finals sa Rio Olympics.

Inaasahan ng Chinese divers na matatangay nila ang ikawalong ginto sa naturang event matapos nilang madomina noong 2012 London Games.

Ngunit sa Rio, nakuha lamang nila Qin Kai at Cao Yuan ng China ang ikatlong pwesto, sa iskor na 450.21 kumpara sa 454.32 ng Britain. Nakuha naman nila Sam Dorman at Mike Hixon ng United States ang silver matapos magtala ng 98.04 – ang pinakamataas na puntos sa kompetisyon para sa final dive.

“We’re so overwhelmed with what we’ve done,” pahayag ni Laugher sa mga reporters matapos ang event. “The dream’s happened.”

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Samantala, nadismaya naman sa kanyang pinakita si Qin, na umaasang maiuuwi ang kanyang ikatlong Olympic gold.