Host ang Mindanao sa maaksiyong labanan para sa huling dalawang leg ng 24th Shell National Youth Active Chess Championships sa Davao at Cagayan de Oro.

Gaganapin sa SM Ecoland Davao Event Center ang ikaapat na stage ng five-stage regional circuit para sa Southern Mindanao sa Agosto 13-14, habang susulong ang Northern Mindanao leg sa SM City CDO Cyberzone (3rd floor) sa Agosto 20-21.

Bukas pa ang pagpapatala ng lahok para sa mga non-titled player at kasalukuyang naka-enrol sa eskwelahan.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kina tournament director Alex Dinoy (0918-3705750 at 0922-82885100 gayundin kay Southern Mindanao leg coordinator Ronnie Tabudiong (0943-2490821) at Northern Mindanao stage coordinator Jun Cuizon (0905-1166326).

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Para sa on-line registration, bisitahin ang Shell website www.shell.com.ph/shell_chess.

Nakatakdang paglabanan ang kiddies (7-12), juniors (13-16) at seniors (17-20) kung saan, ang mangungunang dalawang player sa bawat dibisyon ay makakausad sa grand finals.