Tatangkain ni WBC No. 12 flyweight contender Froilan “The Sniper” Saludar na muling mapalaban sa world title sa pagkasa kay dating OPBF flyweight champion Takuma Inoue sa Setyembre 4 sa Sky Arena sa Zama, Kanagawa, Japan.

May kartadang 23-1-1, tampok ang 14 knockouts, natalo lamang si Saludar kay Puerto Rican McWilliams Arroyo via second round TKO para sa bakanteng IBF flyweight crown may dalawang taon na ang nakalilipas.

Umakyat na ng timbang si Inoue na may kartadang 7-2 at kasalukuyang No. 5 sa WBC, No. 7 sa WBA, No. 11 sa WBO at No. 12 sa IBF sa super flyweight ranking. (Gilbert Espeña)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!