Hindi matitinag si Michael Phelps, maging sa pinakamatindi niyang karibal.

Ginapi ni Phelps ang teammate at record-holder na si Ryan Lochte sa 200-meter individual medley para makopo ang ika-22 gintong medalya sa Olympic career nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Ipinapalagay ang duwelo na magiging mahigpitan, ngunit lumagok lamang ng tubig si Lochte sa malayong distansiya ng tinaguriang ‘greatest Olympic athlete’ sa kanyang henerasyon.

Tinapos ni Phelps ang laban sa tyempong sa isang minuto at 54.66 segundo.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Nasungkit naman ni Kosuke Hagino ng Japan ang silver, habang si Wang Shun ng China ang nagkamit ng bronze.

Samantala, umukit ng kasaysayan si Simone Manuel bilang kauna-unahang African-American na nagwagi ng gintong medalya sa Olympic swimming nang pagbidahan ang 100-meter freestyle.

Napaluha ang 20-anyos na si Manuel matapos gapiin ang mga liyamadong sina world-record holder Australian Cate Campbell at Penny Oleksiak ng Canada.

“I hope that I can be an inspiration to others so this medal is for the people who come behind me and get into the sport and hopefully find love and drive to get to this point,” pahayag ni Manuel.

(Isinalin Ni Lorenzo Jose Nicolas)