Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang negosyante, kasamang babae at driver matapos tambangan at ratratin ng riding-in-tandem sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Police Supt. Pedro T. Sachez, hepe ng Kamuning Police Station 10, ang mga biktima ay sina Joel Yap y Go, 56, contractor at land developer, ng Maginhawa St., Barangay Teachers Village, Quezon City; driver na si Ronnie Perez, 29, ng Valenzuela City at isang babae na si “Olga”.

Binabaybay umano ng mga biktima ang kahabaan ng Magalang St., ng naturang barangay at bago sumapit sa Malakas St., bigla na lamang umanong sumulpot ang isang motorsiklo at sila’y pinagbabaril ng mga sakay nito.

Maayos na ang kalagayan ng mga biktima. (Jun Fabon)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists