Sa kabila ng pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapagsagawa ng kilos protesta ang mga hindi pabor na ihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, hindi naman makakapasok ang mga ito sa nasabing lugar.
“We have procedures for that. If they insist of going in, they will be prevented from doing so. If they hold actions outside, police will take care of that because that’s their responsibility,” ayon kay Army Spokesman Col. Benjamin Hao.
Sa kasalukuyan, pinalakas umano ang seguridad sa loob ng Libingan ng mga Bayani matapos makatanggap ng banta hinggil sa pagdaraos ng rally at pages-set up ng mga bago na isasagawa ng mga raliyista.
“Its the Libingan ng mga Bayani. Its supposed to be peaceful and tranquil. We received threats that there will rallies, rocks will be set up, that is not allowed,” ani Hao. (Francis T. Wakefield)