Dingdong Dantes and Marian Rivera copy

WEEK-LONG birthday celebration ang hatid ng Yan Ang Morning show ni Marian Rivera.

Kahapon, isang masaya at exciting tour ang pagkakaabalahan ng Primetime Queen sa SM By The Bay. Kasama ang Kapuso stars na sina Jeric Gonzales, Thea Tolentino, Migo Adecer, at Klea Pineda, sinubukan nila ang iba’t ibang rides sa amusement park. Nai-tour din ni Marian ang kanyang mga manonood sa loob ng Explorium sa SM Mall of Asia.

Magpapatuloy ang weeklong birthday celebration ni Marian ngayong Huwebes sa muli niyang pagbisita sa isa sa mga paborito niyang lugar sa bansa, ang Baclaran.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Madalas bisitahin ni Marian ang Our Lady of Perpetual Help Church kasama ang kanyang Lola Francisca kahit noong hindi pa siya nag-aartista. Sasamahan si Marian ng kanyang best friends na sina Boobay, Roxanne Barcelo at Betong sa pagbisita sa simbahan at sa Berma Mall.

Isang royal day naman ang magaganap bukas (Biyernes) dahil ang Primetime King na si Dingdong Dantes ang special guest ni Marian sa mismong araw ng kanyang birthday.

Dadalhin ni Marian kasama ng kanyang asawa na si Dingdong ang televiewers sa isang gastronomic tour sa Bonifacio Global City. Sakay ng big bike, bibisitahin ng mag-asawa ang dalawa sa paborito nilang restaurants sa BGC.

Ipaghahanda rin ni Dingdong ang birthday girl ng isang special dish.

Huwag palampasin ang weeklong birthday celebration ni Marian sa Yan Ang Morning, 9:30AM sa GMA-7.