Hustisya ang isinisigaw ng pamilya ng isang “Kristo” matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi kilalang salarin, habang ang una ay lulan ng kanyang motorsiklo sa Malabon City, noong Lunes ng hapon.
Dead on the spot si Jovito Santos, 64, ng 1st St., Disierto, Barangay Tanong ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng cal. 9mm sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa report kay Police Sr. Ins. Renato Armas, dakong 4:30 ng hapon, sakay ng kanyang Euro motorcycle ang biktima galing ng sabungan at binabagtas ang kahabaan ng Nibungco St., Malabon City.
Pagsapit sa kanto ng General Luna St., Bgy. San Agustin, bigla umanong sumulpot ang lalaki at walang habas na pinaputukan ang biktima. (Orly L. Barcala)