Mga laro ngayon

(Philsports Arena)

4 n.h. -- FEU vs San Beda

6 n.g. -- Perpetual vs TIP

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Makasalo sa Group B leader University of Santo Tomas at National University ang tatangkain ng Far Eastern University sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa Shakey’s V League Season 13 Collegiate Conference, sa San Juan Arena.

Makakasagupa ng Lady Tamaraws ang wala pang panalong San Beda College Red Spikers sa pambungad na salpukan ganap na 4:00 ng hapon.

Tinalo ng Lady Tamaraws ang College of St. Benilde sa una nilang laban kung saan nanguna ang mga beteranong hitters na sina Bernadeth Pons, Remy Palma, at Toni Basas.

“Setter lang naman ang nawala sa amin kaya nga binibigyan namin ng exposure ‘yung dalawang setters namin para pagdating ng UAAP di na sila maiilang,” pahayag ni FEU coach Shaq de los Santos.

Para naman sa katunggaling Red Spikers, pipilitin nilang tuldukan ang losing skid sa ikaapat na pagtatangka.

Sa tampok na laro, tatangkain naman ng University of Perpetual Help na makabangon mula sa opening day na kabiguan sa San Sebastian sa pagharap nito sa Technological Institute of the Philippines. (Marivic Awitan)