Mga laro ngayon (JCSGO Gym, Cubao)

2 n.h. -- Topstar vs Cafe France

4 n.h. -- Racal vs AMA Online Education

Pormalidad ng kanilang pagiging No.1 team ang tatangkain ng Racal sa kanilang pagsagupa sa sibak ng AMA Online Education sa pagtatapos ng elimination round ng PBA D League Foundation Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao.

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Ang panalo ng Tile Masters ay pormal na magluluklok sa kanila sa No. 1 spot at magdadala sa Phoenix Accelerators bilang No. 2 para sa twice-to-beat advantage habang bababa sa No. 3 ang defending champion Café France kahit pa manalo sa laban kontra Topstar ZC Mindanao sa ganap na 2:00 ng hapon.

Ngunit, kahit wala na sa kontensiyon ang Titans para sa Final Four, hindi pa rin imposible na masilat ang Tile Masters higit at galing sila sa isang record win kontra Aguilas sa nakalipas na laro.

Magtutuos ang Tile Masters at Titans sa ganapm na 4:00 ng hapon. - Marivic Awitan