QUETTA, Pakistan (AP) – Sumabog ang bomba sa main gate ng isang ospital ng gobyerno sa timog kanlurang lungsod ng Quetta, na ikinamatay ng 45 katao.
Sinabi ni Police official Afzal Khan na marami ang nasugatan sa pagsabog noong Lunes, na naganap ilang sandali matapos dalhin sa ospital ang bangkay ng isang prominenteng abogado na binaril nang umagang iyon.
Ayon kay Khan, ilang dosenang abogado at mamamahayag ang nasa loob ng ospital nang sumabog ang bomba. Wala pang umaako sa pag-atake.