RIO DE JANEIRO (AP) – Dumating na liyamado sina Grand Slam champion Novak Djokovic ng Serbia, gayundin ang women’s doubles champion at major winner na sina venus at Serena Williams.

Ngunit, simbilis ng kanilang palo ang pagkasibak ng mga pamosong tennis player sa Rio Olympics.

Napatalsik ng nagbabalik at 2009 US Open champion Juan Martin del Potro ng Argentina ang 16-time Grand Slam winner na si Djokovic, 7-6 (4), 7-6 (2).

Matagal na nabakante dahil sa injury sa kanang pulso, nagpakatatag ang world No. 145 sa kabuuan ng laro gamit ang pamosong baseline drop shot para magapi ang paboritong Serbian star sa opening round ng men’s tennis.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagharap na ang dalawa para sa bronze medal sa London na apat na taon.

Hindi man nakasali sa Wimbledon ng dalawa’t kalahating taon, nagpamalas pa rin ng galing si Del Potro nang talunin niya si fourth-seeded Stan Wawrinka sa second round.

Ginulantang naman ng dehadong sina Lucie Safarova at Barbora Strycova ng Czech Republik ang top seeded na William sisters, 6-3, 6-3.

Tangan ang tatlong Olympic gold medal sa women’s doubles, hindi nakaporma ang American star sa gilas at bilis ng karibal na hindi pa nakatitikim ng panalo sa torneo.

“We played terrible,” sambit ni Serena. “And it showed in the results.”

Isinalin ni Helen Wong