Ni Remy Umerez

Heart Evangelista
Heart Evangelista
SA nalalapit na pagsilang ng sanggol nina Mariel Rodriguez-Padilla at Toni Gonzaga-Soriano ay mistulang may baby boom na nagaganap sa showbiz field. 

Curious naman ang maraming fans kung bakit wala sa listahan si Heart Evangelista-Escudero.

Marami ang nag-akalang pagkatapos ng eleksiyon ay magiging prioridad ng mag-asawa ang pagkakaroon ng baby.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa isang panayam sa aktres, sinabi niyang sa sobrang dami ng commitments at produktong kanyang iniendorso ay wala sa prioridad niya ang magbuntis.

Tinututukan ni Heart ang sarili niyang brand of make-up called Happy Skin na homegrown at siya mismo ang nangangasiwa kung paano ito ipa-package.

Siya rin ang umiisip ng artwork ng produkto.

Nagpahiwatig ang aktres na sa sandaling magwakas na ang kanyang teleseryeng Juan Happy Love Story with Dennis Trillo ay baka patuunan nila ng pansin ang magkaroon ng sariling anak.

Ipinagpapasalamat niya ang magandang rating ng teleserye na nagbabayang tumagal pa sa ere.

Sa huling episode ay pumayag sina Happy at Juan na magpanggap na nagkabalikan na silang mag-asawa para maampon ang ulilang si Katkat.