Ni NORA CALDERON

Maine at  AldenILANG araw mami-miss ng AlDub Nation ang magka-love team na Alden Richards at Maine Mendoza sa kalyeserye ng Eat Bulaga, dahil ngayong araw na ito ay nagbibiyahe na sila papuntang Kingdom of Morocco in North Africa para sa isang special photo shoot ng isang glossy magazine na magsi-celebrate ng kanilang special anniversary.

Last Saturday nga sa kalyeserye, nag-advise kina Alden at Maine si Lola Nidora (Wally Bayola) na muli niyang pinayagang umalis ang apo at magiging apo, dahil may trabaho sila sa ibang bansa. Tanong ni Lola Tinidora (Jose Manalo), ano ang trabaho ng dalawa at saang lugar naman sila pupunta?

“May photo shoot sila sa isang kaharian sa Africa,” sagot ni Lola Nidora. “Kaya naman Alden, Maine, mag-iingat kayo roon at pakisamahan ninyo ang mga makakasama ninyo sa trabaho, huwag ninyo silang bibigyan ng problema.  At bumalik kayo agad dahil maghihintay sa inyo ang inyong mga fans at supporters.”

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kaya nagpasalamat ang dalawa sa kanilang mga lola at ibinigay na rin nila ang sorpresang ipinagako nila sa AlDub Nation. Isang production number ang inihanda nila sa mga fans hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin na sinuportahan ang kanilang first movie together, ang Imagine You & Me na isang certified blockbuster.

Muli nilang ginaya ang ilang eksena sa movie na idinirehe ni Mike Tuviera, pero maraming nag-wish, nang umikot ang camera, na gagayahin nang live nina Alden at Maine ang final scene, pero hindi, kaya naman ang mga batang napiling finalists sa “Lola’s Playlist” (mga batang contestants singing old songs) ay kinukulit na mag-kiss ang dalawa, pero pabirong sinaway sila ni Alden.

Nag-wish naman ng good luck sa bagong gagawin ng dalawa sa Morocco ang Dabarkads, ano kaya ang bilin nina Sen. Tito Sotto at Joey de Leon kay Alden?

Pero bago tuluyang umalis sina Alden at Maine, tinapos muna nila ang shoot ng bagong TVC ng isang endorsement na magkasama sila muli. 

Ginawa naman ni Alden ang duties niya bilang apo ng kanyang lolo at lola Faulkerson, na nag-renew ng marriage vows. Bumalik sa bansa ang relatives ni Alden para sa okasyon, kaya bago ang renewal ng marriage vows, isang family dinner muna ng mga Faulkerson ang ginanap sa isang lugar sa Tagaytay na dinaluhan ni Maine.  Nagkabiruan pa nga raw na ayaw nang bitawan ng lola ni Alden si Maine at gustong iuwi na sa kanilang bahay.

Last Sunday evening, tinapos pa nina Alden at Maine ang ilang shoots pa ng TVC.   

Nauna namang umalis sa bansa ang  glam team para sa photo shoot na kinabibilangan nina Celeste Tuviera, Juan Sarte at ng photographer na si Marc Nicdao, dala ang mga luggages ng mga outfits na isusuot nina Alden at Maine.  Balita pang apat na lugar ang pupuntahan nila sa Morocco na Casablanca ang concept. 

Goodluck, Alden and Maine, take care!