In this Friday, July 22, 2016 photo, a Pokemon Go player attempts to catch Charmander, one of Pokemon's most iconic creature, in New Delhi, India. TUWANG-tuwa ang maraming tech-savvy na Pilipino kahapon ng umaga sa pagdating ng Pokémon Go sa Pilipinas.

Noong Hulyo pa nailabas ang augmented reality game sa ibang bansa.

Sa pagdating ng popular na laro sa ating bansa, tiyak na maraming Pilipino ang makikitang naglilibot sa mga kalye, parke, at iba pang pampublikong lugar habang nakatutok sa hangin ang kanilang smartphone

Hindi naitago ang kasiyahan ng mga netizen dahil panay ang kanilang post sa social media simula nang umpisahan ang laro.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Pokémon Go Philippines is here!!! Bye data allowance...,” ayon kay Mark Ian Poquita sa twitter

“MGA KAPITBAHAY MAY POKEMON GO NA SA PHILIPPINES WALA NANG MAGIGING PRODUCTIVE ANG SAYA WOOHOOOOO,” sabi naman ni Trixie Esguerra.

Dagdag naman ni Miss Krizzy, “Holy Squirtles! #PokemonGo is finally here in the Philippines! Yay! #PHforPokemonGo” - MB Entertainment