ARAW na ng kalayaan para kay Conan (Mark Herras) ngayong Linggo (Agosto 7) sa Conan My Beautican.

Wala nang maaatrasan si Conan dahil mabubuking na siya sa Salon Paz na straight at machong barbero siya na nagpapanggap lang na beking beautician. Tatanggapin kaya siya o kamumuhian ng kanyang mga kasamahan?

Samantala, lalong lumulubha ang kalagayan ng nanay ni Conan na si Perla (Lotlot de Leon). Lumalaki ang gastusin na hindi alam ni Conan kung saan kukunin para maisalba ang buhay ng ina at buhayin ang kanyang kapatid na si Connor (Balang).

Sa kasalan naming tinakasan ni Ava (Megan Young), muling magkikita si Conan at si Chika (Cacai Bautista). Makikilala kaya si Conan ng babaeng dahilan ng lahat ng kanyang paghihirap?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa huli, si Ava naman ang hindi sinasadyang makakadaupang-palad ni Conan. Tadhana na kaya ang may pakana ng eksena para mapalapit sila sa isa’t isa?

Tiyak na intense at exciting na parang roller-coaster ang episode na ito kaya huwag palampasin ngayong Linggo, pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA-7.