RIO DE JANEIRO (AFP) – Mananatili ang American men at women’s basketball team sa cruise ship Silver Cloud sa Rio Olympics, malayo sa kinalalagyan ng kanilang kapwa Olympians sa athletes village.
Dumating ang US men’s team na binubuo ng multi-millionaire NBA stars nitong Miyerkules at nagkaroon ng pagkakataong makita ang pamosong “Christ the Redeemer”.
“It was so dark and then it was lit up,” pahayag ni Kevin Durant. “It was like Jesus was flying over us. I want to go back and see it up close.”
Matapos nito, tiningnan nila ang luxury na tutuluyan nila sa 196-cabin cruise ship na kaparehas ng ginamit ng US team noong 2004 sa Athens.
“It’s pretty cool,” ani Durant. “We’re in a hotel on water.”
Nagustuhan naman ni US guard Klay Thompson, kapwa manlalaro ni Durant sa Golden State sa susunod na season, ang tanawin sa balkonahe.
“It’s nice. It’s like staying at a hotel,” pahayag ni Thompson. “We’ve all got our own rooms. We’ve got a game room.
I like the balcony. You can get out and see the water and see the scenery of Rio.”
Napalilibutan naman ng extra security personnel ang US squad.
“It’s good. We live life. Like when you go home, except on a boat,” sabi naman ni US guard Kyrie Irving.
Samantala, kung gaano kagarbo ang kinalalagyan ng American stars, pasakit naman ang tinutuluyan ng iba pang atleta sa Athlete Village, kabilang na si dating Warriors Andrew Bogut ng Australia.
Sa kanyang Twitter, ipinakita ni Bogut ang pagkabit niya ng kurtina sa shower, na isa sa problema sa knilang kuwarto.
“Putting together a shower curtain so we can shower and not flood the place,” sambit ni Bogut.
(Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)