WASHINGTON (AFP) – Muling binira ni Republican presidential candidate Donald Trump ang mga immigrant noong Huwebes, sinabi sa kanyang mga tagasupporta na hindi dapat papasukin sa United States ang mga Somali at iba pang refugee mula sa mga teroristang nasyon.

“We are letting people come in from terrorist nations that shouldn’t be allowed because you can’t vet them,” sabi ni Trump sa rally sa Portland, Maine.

“You have no idea who they are. This could be the great Trojan horse of all time,” diin niya.

Nagbabala siya na makakapuslit ang mga terorista, kabilang na ang mga miyembro ng Islamic State, sa United States kasabay ng mga refugee. “This is a practice that has to stop,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Trump, ang mga pagsisikap na matulungan ang mga Somali refugee -- karamihan ay nasa Minnesota -- ay nagkakaroon ng ibang kahihinatnan. Tulad ng pagkakabuo ng pamayanan ng mga walang trabaho na nagiging pabigat sa estado, banta sa kaligtasan at target ng pangangalap ng mga teroristang grupo.

Inilista niya ang ilang immigrant -- mula sa Afghanistan, Iraq, Morocco, Pakistan, Pilipinas, Somalia, Syria, Uzbekistan at Yemen -- na naaresto sa pagkakasangkot sa mararahas na pag-atake, nagtuturo ng paggawa ng bomba, at sumusuporta sa mga teroristang grupo.

“We’re dealing with animals,” nagpupuyos na sabi niya. (Agence France-Presse)