MAKIKIGULO at magbibigay ng kakaibang style sa katatawanan si Solenn Heussaff bilang celebrity guest sa Laff, Camera, Action! ngayong Sabado.

Pinataob ng team nina Epy Quizon, Kris Bernal at Dyosa Pockoh ang defending champions last week, pero maipagpatuloy kaya nila ang kanilang panalo ngayong makakalaban nila ang team nina Kristoffer Martin, Petti at Joyce Ching na bagitong kombinasyon pero asintado ring pasukin ang Grand Champion’s Hall of Famer Circle?

 

Maging gentle kaya sa kanila ang ating mga MapanghusGANG sina Sef Cadayona, Gladys Guevarra at Direk Caesar Cosme?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

 

Tutukan ang makulit na episode ng Laff, Camera, Action! ngayong Sabado pagkatapos ng Wish Ko Lang sa GMA Sabado Star Power.