Matt & Zhang Yimou copy

BEIJING (AP) – Sinagot na ng premyadong Chinese direktor na si Zhang Yimou ang pagbatikos sa kanya ng isang Asian-American actress tungkol sa pagbibida ng “white man” na si Matt Damon sa pelikula niya. Ayon kay Zhang Yimou, sadyang hindi talaga para sa aktor na Chinese ang pangunahing role.

Si Matt, ng Bourne franchise, ang magbibida sa $150-million na Chinese-Hollywood fantasy movie na The Great Wall, isang pelikulang English na gagawin sa China at tatampukan ng nakakatakot na supernatural monsters.

Noong nakaraang linggo, nag-post sa Twitter si Constance Wu, na nagbida sa isang American comedy series tungkol sa mga immigrant, ang Fresh Off the Boat, ng: “We have to stop perpetuating the racist myth that a only (sic) white man can save the world.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Our heroes don’t look like Matt Damon,” saad pa sa post ni Constance, at nagbigay ng listahan ng mga alternatibo, gaya ng estudyanteng Pakistani na naging Nobel Peace Prize laureate na si Malala Yousafzai, ng Indian independence leader na si Mahatma Gandhi, at ng South African president at aktibista kontra apartheid na si Nelson Mandela.

Ang The Great Wall ang unang pelikula sa English ni Zhang Yimou, ang direktor ng romantic Kung Fu drama na House of Flying Daggers, at ng bonggang opening at closing ceremonies ng 2008 Beijing Olympics.

“For the first time, a film deeply rooted in Chinese culture, with one of the largest Chinese casts ever assembled, is being made at tent pole scale for a world audience. I believe that is a trend that should be embraced by our industry,” saad sa pahayag ni Zhang na nai-post sa website ng Entertainment Weekly.

“Our film is not about the construction of the Great Wall. Matt Damon is not playing a role that was originally conceived for a Chinese actor. The arrival of his character in our story is an important plot point,” pahayag ni Zhang sa isang panayam.

Dagdag pa ng direktor, pawang Chinese ang gumaganap sa papel ng apat na “major heroes” ng pelikula.

Sa kabuan, hindi naman naging kontrobersiyal sa China ang pagbibida ni Matt sa The Great Wall.

Sa Disyembre ng taong ito ipalalabas ang The Great Wall sa China, at sa unang bahagi naman ng 2017 ito ipalalabas sa iba’t ibang bansa, kabilang ang United States.