RIO DE JANEIRO (AFP) – Sa kabila ng nakamit na tagumpay sa gymnastics, may madilim na nakaraan si Australian gymnast Larrissa Miller.

Ngunit, sa halip na sumuko, matapang niya itong hinarap at ginamit na inspirasyon para magtagumpay at mabigyan ng pagkakataon sa ikalawang Olympics na makamit ang minimithing gintong medalya.

Ipinahayag ng 24-anyos mula sa Queensland na naging biktima siya ng pang-aabuso mula sa isang kapamilya na nagsimula sa kanyang murang edad na lima hanggang 16.

Matapos makahingi ng tulong, nahuli ang salarin at naipakulong noong Mayo 2015.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“Once I went through everything that I went through, and all that stuff like the court process was done, I felt free and more comfortable within myself,” pahayag ni Miller matapos ang kanyang ensayo sa Rio Olympic Arena.

“You don’t know what freedom is until you’ve felt it, and that was what it was like for me. It was such an incredible feeling.”

Sa ngayon, nais ni Miller, silver medalist sa team at indibiduwal uneven bar sa 2014 Commonwealth Games, na gamitin ang sarili bilang inspirasyon sa kabataan, higit sa mga naging biktima ng pang-aabuso na matutong lumaban at gamitin ang kabiguan para mging matagumpay sa buhay.

“I still have days where it’s hard, but people around me know, too, and I’ve got so much support,” sambit ni Miller, nagsisilbing ambassador ng Bravehearts, isang child protection organisation.