MOCHA-1211 copy

NILINAW ng Bureau of Customs (BoC) na ang singer-dancer na si Mocha Uson ay hindi hinihirang bilang consultant ng social media ng kawanihan.

Ayon sa BoC, hindi hinihirang ni Customs Comm. Nicanor Faeldon si Mocha bilang BoC Social Media Consultant ngunit maaari nitong isulat ang mga artikulo hinggil sa bureau sa kanyang blog.

“Just in: Comm. Nicanor Faeldon will not appoint Mocha Uson as BOC Social Media Consultant but she can write articles about BOC on her blog,” ayon sa Bureau of Customs PH (@CustomsPH) kahapon.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Taliwas ito sa isang hiwalay na ulat, na nabanggit ng komisyoner sa ABS-CBN na kinukumpirma ang appointment ni Uson, na “siya ang magiging social media consultant.”

Ang naturang ulat ay kumalat na sa social media simula rin kahapon. Pero pagkaraan ng ilang oras, lumabas naman ang pagtanggi ng BoC.

Si Uson ay masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte noong panahon ng kampanyahan.