POSIBLENG maibsan kahit papaano ang excitement ng mga tagahangang sabik na sa paghihintay sa susunod na season ng Game of Thrones sa itatanghal na live concert ng musika ng patok na TV series, sa Los Angeles sa susunod na linggo.

Isang full orchestra ang magtatanghal sa Hollywood Palladium sa Lunes, at tatanggap ng mga katanungan ang kompositor na si Ramin Djawadi kasama ang cast member ng Game of Thrones na si Isaac Hempstead Wright, na gumaganap bilang Bran Stark.

Tampok din sa event ang isang interactive exhibit. Rarampa ang mga dadalo sa Hall of Faces, makikita ang Iron Throne, gayundin ang mga costume na ginamit sa huling season, at maaari ring mabusisi ang espadang Needle ni Arya (Maisie Williams).

Inihayag ng HBO noong nakaraang buwan na magtatapos na ang fantasy-thriller phenomenon pagkatapos ng Season 8. Posibleng sa summer pa magbalik ang Game of Thrones. (Associated Press)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter