LUIS AT JUDY ANN copy

PANGATLONG pelikula na ni Luis Alandy kasama si Judy Ann Santos ang 2016 Cinemalaya entry na Kusina (Her Kitchen), pero pareho pa rin ang nararamdaman niya tuwing kaeksena ang aktres.

Kinakabahan pa rin siya at iniisip na baka hindi siya maka-level up sa acting nito.

“Sobrang galing kasi ni Judy Ann at matatakot kang baka you will fail her expectation. Ang tagal niyang hindi gumawa ng pelikula, pero sa first shooting day pa lang, parang hindi siya nagpahinga. May mga simpleng eksena siyang kinunan, pero ramdam mo pa rin ang at madadala ka sa eksena. Masuwerte ako to be working with her again at makasama sa isang magandang pelikula,” sabi ni Luis.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ginagampanan ni Luis sa Kusina ang role ni Alejandro, matalik na kaibigan ni Joem Bascon at dahil hindi pa

nagsisimula ang Cinemalaya, hindi muna namin isinulat kung paano nagkaroon ng koneksiyon sina Alejandro at Juanita (Judy Ann). Ang sinisiguro ni Luis, magandang pelikula ito.

Sold out na ang ticket sa gala premiere ng Kusina sa August 9, sa CCP Main Theater. Maganda ang gagawin ng mga producer na kinabibilangan ni Noel Ferrer na bawat screening ng pelikula sa CCP ay may cast na makakasama ang audience.

Anyway, pinaghahandaan na rin ni Luis ang kasal nila next year ng fiancée niyang si Joselle Fernandez. Dahil gusto ni Joselle ng garden wedding, baka iyon ang matupad.

“Kahit anong wedding ang gusto niya, basta ready na ako. I’m 36 years old at ako na lang sa magkakapatid ang walang asawa at pamilya. Excited na ang both families namin at siyempre, ako ang pinaka-excited,” wika ni Luis.

(NITZ MIRALLES)