CONAN AT SUNSHINE copy copy

NAG-TAPING na ng Encantadia si Conan Stevens at malapit na siyang mapanood sa fantaserye.

Nakita namin ang picture niya sa taping kasama sina Sunshine Dizon at Rochelle Pangilinan na gumaganap sa mga role nina Adhara at Agane respectively.

Sa laking tao ni Conan Stevens, hanggang kilikili lang niya sina Sunshine at Rochelle na kapwa excited na makasama sa show at makatrabaho ang Hollywood actor na sumikat bilang si The Mountain sa season one ng Game of Thrones.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Gagampanan ni Conan Stevens ang role ni Vish’ka, isang legendary warrior na mula sa mga Higantes. Ayon sa aktor, tamang-tama ang kanyang muscular built para sa kanyang role na gagampanan.

Ang biggest challenge kay Conan ay kung paano made-deliver nang maayos at tama ang Nchan o ang Encantadia language.

Ang suhestiyon ng Encantadiks, pagharapin sila ni Solenn Heussaff at pag-usapin gamit ang Nchan. Ang husay kasi ni Solenn mag-Nchan at akala mo’y French ang binibigkas. (Nitz Miralles)