Tadtad ng tama ng bala ng baril ang bangkay ng isang lalaki na natagpuan sa ilalim ng tulay sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang biktima na nasa edad 40- 45, may taas na 5’7”, katamtaman ang pangangatawan.

Bukod sa anim na tama ng bala ng baril, nakagapos at may takip din ang mukha ng bangkay.

Natagpuan din sa crime scene ang isang karton na may nakasulat na, “chinese drug lord ako, huwag tularan”.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa mga barangay tanod, dakong 3:00 ng madaling araw, nakaupo at nagkukuwentuhan umano sila sa out post nang makarinig ng anim na putok ng baril sa ilalim ng tulay ng Barangay NBBS, Navotas City.

Nang puntahan umano nila ang tulay, tumambad sa kanila ang bangkay ng lalaki na sa kanilang palagay ay kamamatay lang dahil sariwa pa ang dugong dumadanak mula sa katawan nito.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up operation ang Navotas Police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima. (Orly L. Barcala)