Maituturing na pundasyon para sa positibong pagbabago sa Rio de Janeiro ang Olympic Games, ayon sa International Olympic Committee (IOC).

Sa makislap na bagong stadium na nakalinya sa Barra de Tijuca, bubuksan ang kauna-unahang Olympics sa lupain ng South America sa Biyernes (Sabado sa Manila).

Dulot ng krisis sa pulitika at ekonomiya sa Brazil, gayundin ang pakikipaglaban sa recession sa maraming dekada, kapos at gahol sa pananalapi ang organizer.

Samantala, sabi ni IOC President Thomas Bach sa pagbubukas ng session sa organisyon sa lungsod, binago ng Olympics ang Rio para sa ikabubuti ng lungsod at ng bansa sa pangkalahatan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Rio de Janeiro would not be where it is today, without the Olympic Games as a catalyst,” aniya. “History will talk about a Rio de Janeiro before the Olympic Games and a much better Rio de Janeiro after the Olympic Games.”

Lumalaki ang pag-aalala sa pagdaraos ng Olympics sa Brazil dahil sa samu’t-saring isyu mula sa ekonomiya, seguridad at kalusugan. Ngunit, nagpakatatag ang IOC, gayundin ang organizers.

Sa kabila nito, naniniwala ang halos 60 porsiyento ng mga Brazilian na magdadala ang Olympics ng mas malaking pinsala kaysa kabutihan sa Brazil, ayos sa survey ng polling group Ibope.

Nagpahayag ang estado ng Rio, responsable para sa 40 billion reais (US$12.2 billion) sa Olympic costs, ng fiscal emergency noong Hunyo, at nagkamit ng federal funds para i-cover ang kaligtasan ng publiko habang nahihirapan itong bayaran ang mga pensioner at civil servants.

Nangatwiran ang mga kritiko na hindi na dapat iginawad sa Brazil ang Olympics noong 2009 dahil sa mabagal na progreso sa siyudad. (Isinalin ni Lorenzo Jose Nicolas)