selena copy

RAMDAM na ramdam ng Pop star na si Selena Gomez ang thrilla in Manila sa kanyang Revival tour concert sa Mall of Asia Arena noong Linggo. Inilarawan ng pop star ang mga Pinoy audience bilang ‘loudest’.

“I think this has gotta be the loudest crowd I’ve ever been in,” sinabi ni Selena sa pagsisimula ng kanyang show.

Sinabayan ng mga manonood ang energetic na performance ng singer, binigyan ng pinakamalakas na hiyawan at palakpakan, at sinabayan ng malakas na pagkanta ang bawat awitin ng singer.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Labingwalo ang inawit ng 24-year-old singer, kabilang ang kanyang mga hit mula sa Revival album, tulad ng Hands to Myself, Good For Your, at Same Old Love.

Kinanta rin niya ang kanyang latest single na Kill ‘Em With Kindness, na inilarawan niyang pinakamakahulugan para sa kanya. “This next song means the most to me. This has been my way of life and I always feel like the world could use a little bit more kindness,” aniya bago sinimulan ang pag-awit.

Isa sa highlights ng palabas ay nang pinailaw ng Filipino Selenators (fans ni Selena) ang arena at itinaas ang karatulang “SALAMAT SELENA” habang kumakanta ang singer ng stripped down version ng Who Says.

Bago nilisan ang entablado, ipinahayag ni Gomez ang pagmamahal sa kanyang Filipino fans at nagbigay ng isang pangako.

“Please don’t get mad at me if i say this wrong but it’s ‘Mahal Kita’ right? I just want to say I love you guys so much and I guarantee you that we will be back okay?,” aniya. (MB Entertainment)