CAMP JUAN, Ilocos Norte – Isang hinihinalang sangkot sa droga ang nasawi makaraang manlaban umano sa mga pulis na aaresto sa kanya sa isang buy-bust operation malapit sa sabungan sa Barangay 16 sa San Nicolas, Ilocos Norte, nitong Sabado.

Ayon sa pulisya, namatay si Andres Pasalo, ng Bgy. 16, San Nicolas, habang ginagamot sa isang ospital sa Batac City dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Napaulat na si Pasalo ay ikatlo na sa mga drug suspect na binaril at napatay makaraang manlaban umano sa mga pulis.

Unang napatay sa panlalaban sina Benedict Corpuz, ng Bgy. Tapao-Tigue, Currimao; at Roel Andres, ng Bgy. 7-B, Laoag City. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog